Bakit ba mahalaga sa'akin ang notebook? -Dito ko kasi naisusulat lahat ng mga nais kong sabihin, minsan ito rin ang nagiging paraan para mawala yung lungkot at pagkabagot ko..... Nandito ang buhay ko, ang tunay na ako.... At ito ang storya ng Buhay Ko
Saturday, September 6, 2014
Sayonara(Senior Scout Part IV)
Sa buhay ng tao, sadyang dumarating ang pag-papaalam sa mga taong naging malapit sa iyo, tila ba isang kisap matang mawawala saiyo ang lahat; ang buhay scouters ay ganito lamang; marami kang makikilala ngunit unti unti mong kailangan iwanan, pero masasabing marami silang iiwang ala ala sa iyo; ala-alang maitatago mo sa pang habang buhay. Tanging ngiti lamang ang naiwan ko sa kapwa ko scouter; ngiting ang pahiwatig ay "Sa muling pag-kikita."
Halong lungkot at saya ang aking nasilayan sa kapwa ko scouter, dahil ito ang araw nang aming pag hihiwalay hiwalay, kay sarap balikan nang mga panahon na kami ay bago pa lamang magkakakilanlan, mga panahong ilang beses kami nalipat ng kampo, panahong kaming lahat ay basang basa ng ulan, nasugatan, naputikan, namaluktot sa lamig ng panahon at higit sa lahat ang pag-kakapalagayan ng loob ng bawat isa sa amin.
Kay sarap isiping lahat kami ay ligtas, at lalong lalong kay sarap isiping kaming lahat ay kinaya ang pag subok sa loob ng Teresa. Hindi parin maiiwasan ang pagod sa aming lahat ng mga sandaling ito, ang karamihan sa amin ay tulog; dala ng sobrang pagod sa Jamboree pero ako; mas pinili kong magsulat rito sa loob ng truck na sinasakyan namin at tingnan ang mga taong naging parti ng buhay ko.
Sa aking muling pag-sulat ng di-pormal na sanaysay o di-pormal na dokyumentaryo halong saya, lungkot at pag hanga ang nabuo sa aking isipan. Sa pagitan ng pagiging senior scout at pagiging rakista makikita parin ang tunay na ako, ang makatang ako.
Tanging pag-sulat ang naisip kong paraan upang ilabas ang tinatakbo ng aking isipan, pag sulat na ang nilalaman ay ala alang nangyari sa Teresa. Sa aming pag-uwi sa aming mga tahanan tanging pag-papasalamat at pag-papaalam ang nasambit ng kami ay papalapit na. Sana ay dumating ang araw na kami ay mag kakasama samang muli, sa dati mang lugar o sa bago ang mahalaga sana'y walang mag bago sa ugaling siya ay nakilala.
Ang magandang ala ala ay minsan lamang dumarating sa buhay ng tao, kaya't huwag sanang baliwalain at sayangin ang araw na ang isang indibidwal ay nakatagpo ng mga taong hindi nya makakalimutan.
Venturer(Senior Scout Part III)
Ang pangarap ay maaring matupad sa panahong nanaisin mo itong matupad. Ako, bilang isa sa mga scouts nangarap akong tumaas ang ranggo, noon pangarap ko lang talagang maranasan ang buhay ng isang scout. Ngayon Venturer na ako at isang ranggo nalang paakyat sa pagiging Eagle Scout. Napakasarap isiping tumataas ang aking ranggo dahil narin sa tulong ng aking mga Scout Master at sa pag-gabay sa akin ng guidance councilor na si Mrs. Norie Bautista at sa aming Principal.
Mahal ko ang pagiging scout kaya naman hinding hindi ko makalimutan ito, siguro'y tatak ko na ito sa aking puso at isipan. Marami akong natutunan sa pagiging scout at lahat ng ito'y aking pinasasalamat sa may kapal at sa mga taong naging parti nito. Hilig ko talaga ang mag venture at mag explore kaya naman napili ko talagang maging Senior Scout kaysa sa MAPEH at NSTP subject. Naalala ko noong grade school pa lamang ako ang liit pa ng ranggo ko; Boy Scout palang ako noon pero ngayon Senior Scout na ko. Gusto ko rin sanang mag Rover Scout pero sana meron ito sa papasukan ko sa kolehiyo.
Ang lahat ay aking titiisin; pagod, hirap, sakit ng katawan at kaba basta't makamit ko lamang ang pagiging Eagle Scout. Umaasa parin ako na my opportunity pa sa akin para sa ranggong ito.
Contest(Senior Scout Memrories Part II)
Napaka rami ng naganap sa aking buhay, ang mga pagbabagong hindi ko inaasahan, kasabay ng pagod ko ang lamig ng panahon rito sa Teresa. Alam kong halos lahat ay pagod na at lahat kami ay basang basa ng ulan. Ang ulan ay hindi pa humuhupa mula ng pumunta kami rito, lahat kami'y may kanyan kanyang ginagawa at halos lahat ay wala pang pahinga.
Napakasarap isipig kahit kami'y pagod na, ang lahat ay nariyan parin upang suportahan ako; dahil ako ang naging representative ng San Mateo District sa singing contest ng Senior Scout. Nawala sa akin ang kaba dahil alam kong nariyan parin ang senior scout ng san mateo. Dumating ang oras na ako naman ang kakanta, halos malat ako ng sandaling iyon pero ito'y aking kinaya.
Napakasarap pakinggan ng kanilang hiyawan at palakpakan sa akin ng matapos akong kumanta, halos lahat ay nagulat dahil sa talento kong ipinakita at ang pag tingin sa akin ng Scout Master ng San Mateo National High School na si Mr. Bart ay nagbago at dahil doon sa aking pag-kanta ako'y nakilala ng buong Scout Master ng San Mateo District.
Sa Senior Scout ko natutunang ilabas ang aking talento na matagal ko ng itinago. Ngayong araw na ito'y hinangaan ako ng iba kong kapwa scouters. Napakasarap ng kanilang papuri sa akin ng manalo ako sa sa singing contest. Ako'y simpleng senior scouter parin at nakatapak sa lupa dahil alam kong wala akong dapat ipagyabang dahil sila ang dahilan ng aking pag-angat. Ang gabing ito'y aking itatago sa buong buhay ko dahil ngayon lamang nangyari ito.
Missing You(Scout Memories Part I )
Kailan kaya makikita ng aking ina ang aking pag-babago? kailan mararamdaman ng aking ina na siya'y mahal ko rin? ito ang ilang mga tanong na gumugulo sa aking isipan ngaun. Sabi nga ng iba; ang pag sisisi ay na sa hulingunit iyan ay ayaw kong mangyari sa ngaun.
Kay hirap mawala'y sa aking lalong lalo na alam kong nag aalala sya sa aking kapakanan, ngunit ang lahat ay aking titiisin upang matuto lamang tumayo sa sarili kong mga paa. Ang Scouting ang dahilan ng aking pag-alis, ako'y narito ngaun sa tent nag-iisa, nais matulog ng aking katawan ngunit ayaw ng aking diwa, sa loob nito'y sobrang lamig at ang tubig ulan ay pumapasok sa loob. Naisip ko tulo'y ang aking ina kung makikita lamang nya ang aking kalagayan rito mas nanaisin nya pang umuwi nalang ako sa bahay.
Ang lahat ng layaw ko ay sunod ng aking ina, mapasaya lamang nya ang nagiisang anak nyang lalaki bagama't ngayon ay aking pinag-sisisihan ang nagawang kamalian sa aking ina. Alam kong ako'y nag kamali sana nama'y patawarin ako ng aking ina.
Kay tagal pa ng araw ng aking pananatili rito sa Teresa, marami pa akong matututunan sa buhay ng isang Senior Scout. Ang aking tanging hiling ay mapanaginipan ang aking ina; ang kanyang ngiti, boses at ang pag-alaga nyang tunay.
Marahil nga ako'y naimpluwensyahan ng masama kaya't ako'y nag-kaganito ngunit ang lahat ay nais kong ituwid kapalit ng kasiyahan ng aking ina, inang nagkalinga sa akin at nag mahal ng lubos mula pagkabata. Sa aking muling pag gising bagong pag-subok na naman ang aking kakaharapin tulad ng mga ginawanag sakripisyo ng aking ina.
Ang Aking Pangarap Para Sa Aking Bayan
Kay raming mga pilipino ang patuloy sa pangangarap sa sarili man o sa bayan, hindi nga naman masamang mangarap; masasabing ang pangarap ay bahagi na ng ating buhay. Ang ating mga pangarap ang siyang nag-bibigay ng lakas ng loob para makamit ang magandang hinaharap.
Ako, biliang isa sa mga kabataan ng ating bayan, isa ako sa milyong-milyong tao na nangangarap, kung tutuusin madaling mangarap pero nasa saiyo kung paano mo tutuparin ang isinaisip mong pangarap. Ang aking pangarap para sa aking bayan ay ang kalinisan, kapayapaan sa buong tao, kasiyahan ang madarama sa puso ng bawat tao at hindi hinagpis, ngiti sa mga labi at hindi ang luhang dumadaloy sa bawa't nangungulila at higit sa lahat ang maging paraiso ang aking bayan kung saan walang hinagpis at kung saan walang kaguluhan; ngunit ang tinatakbo ng aking isip ay ang mapaganda ang estado ng buhay kung saan makikita ang pantay pantay na pag-tingin sa tao.
Ang mangarap ng paraiso para sa aking bayan ay isang imposibleng bagay, ngunit kung susundin ang itsura ng pamumuhay dito maaring ito'y mangyari. Sa paraiso kung saan walang gulo, gera, krimen, away at tanging tawanan, usapan, katuwaan ang tanging maririnig.
"Ang pangarap ay tila makitid na daan; kung saan mahihirapan ka, ngunit sa pag-hihirap mong iyon ay may nais kang paroonan, ito'y isa ring magulong daan; ni hindi mo alam kung saan ka papunta; sa kaliwa man o sa kanan basta't ang mahalaga - pagkaingatan ang bawat hakbang na gagawin." -MWSOLLERA
Buhay at Kamatayan
"Ang kabataan ay pag-asa ng ating bayan." Ito nga marahil ang sabi ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal, napakahirap isiping ang tulad niya ay may tiwala sa mga kabataang tulad ko na maitataguyod ang ating bansa; kay rami nga namang kabataang nakikipag laban para sa ating bayan noon, pero ang karamihan sa kanila'y nabigo sa silaw ng salapi o kapangyarihan.
Ang karamihan sa kabataan ngayon ay ibang iba na sa takbo ng salita ni Gat Jose Rizal, marahil may ibang kabataang mas nag-aaliw sa sugal kaysa sa magtyaga, kay raming kabataang naligaw dahil sa gambling; isa na lamang sa halimbawa nito ang drag racing mapa kotse man o motor basta't may ipang kakarera. hindi manlang iniisip ang kanilang mga magulang sa sakripisyog ginawa nito.
Ang karamihan sa mga kabataan ay hinahabol o sinasalubong si kamatayan, ni hindi man lang iniisip ang kapalit nito sa kanilang buhay. Napaka hirap ng puksain ng mga ganitong gawain ng mga kabataannlalo na kung sila'y lulong na sa ganitong gawaain. Nagiging masama na ang lagay ng mga iba nating kababayan pero ang tanong; Sino nga ban ang may kagagawan? Maaring hindi masagot sa ngayon, ngunit umaasa akong masasagot parin ito. Ang kaibigan, barkada o ang pamilya marahil ang dahilan ng kanilang pag kakalulong sa ganitong gawain; napakalungkot isiping marami sa kabataan ang naliligaw ng landas dahil sa kapangyarihan ng salapi at lakas.
Sa buhay ng tao; sadyang dumarating ang kamatayan, may ihaharap ka pa kaya sa Diyos sa pagdating ng pag-huhusga o maging payapa manlang sa pakikiharap sa Kanya?
"Ang kasamaan ay hindi matatapos hangga't may isang makapangyarihang lumalason sa ignoranteng kaisipan ng mga kabataan." - MWSollera
Thursday, September 4, 2014
Mahal kong Ina
Ang pag-aaral ko'y iyong tinustusan
Inuna mo ang aming kaligtasan
Iyong panahon ay nasa aming lahat
Sa iyong sarili ay walang tinira
Ang pagod mo'y napapawi
Makita lamang kami sa mabuti
Puyat at pagod ay di alintana
Mapalaki lamang kaming matiwasay
Ikaw ang lahat sa amin
Di man namin ipakita
Iba ang kabog ng dibdib
Kapag ina na ang kaharap
Pusod mo at aking pusod
Tunay nga na magkarugtong
Nararamdaman ko'y iyong nasasagap
Nag mimistulang manghuhulang ganap
Sa iyong munting pag-alis
Diyos ay nasa iyong tabi
Ika'y kanyang gagabayan
ituturo sa iyo ang tamang daan
Payo mo'y aking susundin
Alagaan ang aking dal'wang kapatid
Mahalin ng buong angking puso
Ihumog sa magandang kaugalian
Ang D'yos ay aking karamay
Sa panahong ika'y wala
Babasbasan niya ako
Upang aking makayanan ang obligasyon
Ina, ako sa iyo ay nangangako
Ako'y magtatapos ng 'king kolehiyo
Ika'y aking aalagaang lubusan
Sukli sa yong pag-hihirap
Pasasalamat sa iyo'y taos puso
Abinitio adinfinitum
Wala na akong makikitang tulad mo
El primera me adios
Los Maestros y Las Maestras(The Male and The Female Teachers)
Sa inyo kami'y natuto
Nang samu't sari na leksyon
Asignatura'y ginawa
Upang di mapagalitan
Ang propesyon nyo'y dakila
Pagod ay 'di alintana
Makapaghatid lamang ng kaalaman
Sa Estudyanteng nangangailangan
Ang tulad nyo'y mahusay
Sa larangan na tinahak
Kayo ay aking pinasasalamatan
Sa lahat lahat ng inyong naiambag
Ang oras nyo'y nasa amin
Kapalit ng konting kita
Sa propesyon na napili
Dapat lamang kayo ay pag-kaingatan
Magpakatotoo Ka Lang
Maamong muka saki'y nanalaytay
Na tila ba ipinapastol na tupa
Ugali ko'y nakatago
Sa hindi makitang baol
Mabait na mukha't masamang ugali
Ito nga ba'y isa ng likas sa akin?
Ang aking pagiging isang misteryoso
Unawain pa kaya ito ng tao?
Masamang ugat ang aking itinanim
Sa ikalaliman ng aking damdamin
Halungkatin ma'y di parin makita
Ang mistulang binhi sa aking katawan
Sadya nga bang mapanganib
Ang tulad kong lalaki?
Di man ako magsalita
Tinatakbo ng isip ay kakaiba
Baliktarin man ang mundo
Ang pagkatao ko'y ako
Ang tanging ipinakikita'y totoo
Sa di mabilang na tagpo
Mag-pakatotoo ka lang
Yan ang aking nasa isip
Di ka man maunawaan
Ikaw ay kanila na ring tatanggapin
El Estudiante y musikero
Tugtog dito at tugtog don
Ito ang tanging buhay ko
Ang paraan para makihalubilo
Sa hilig na aking gusto
Ang musika ang aking tanging libangan
Sa hindi ko nakikita na ligaya
Ang gendrang hilig, akin ng tinahak
Nang sa ganoon ang talento'y mahasa
Pinabayaan ang aking tanging grado
Nang hindi ko namamalayang panahon
Lagapak ang sagot sa akin ng grado
Musika't pag-aaral nasaan ako?
Ang panaho'y tumatakbo
Mahabol ko pa kaya 'to?
Ang magiging manghuhusga'y tanging guro
Sa 'di ko maunawaang pagtatapos
Sa pag-talikod sa aking kinagisnan
Pag-asa ko'y pagbabawi
Sa panahong sinayang
Ako nga ba'y nag-sisisi?
Ang karangyaa'y sa aki'y ibinigay
Nang Inang salat sa pera
Layaw ko'y aking nasunod
Ang ganti ko pa ba'y ito?
Ang tinapakan mong putik ay babakas
Hinayaang apoy ay liliyab
Ang hangi'y di ko alam saan patungo
Ito nga ba ang buhay na mayroon ako?
Estudyante akong halong musikero
Iwan man ang isa'y huli na ang lahat
Napinsala ang iningatan kong yaman
Na pamana ni inay sa aking buhay
Grande Cosa(Big Thing)
Kay bilis ng buhay sa ating daigdig
Tulad ng dahon na nag-lalagas
Tila tinikalang larawang kumukupas
Sa kanya'y luha ang dala ng pag-ibig
Sa mundong puno ng samu't saring krimen
Maging matatag ka pa kaya sa hamon?
Sa dumi't linis; saan ka diditalye
Sa 'di mo makitang tukso ng panahon
Isang munting ina ang kahabag habag
Iniwang mang mang ang kanyang limang anak
Iniwang ang panganib ay nakakalat
Iwasan mo ma'y lalapit din ng kusa
San munting pag-kamatay ng isang ina
Iyak ang maririnig sa kanyang anak
Saan nga ba makikita ang pag-asa
Sa inang pinagkaitan ng hustisya?
Para Ti(For You)
Ikaw nga ba'y isang tanga?
Idamay taong nakapalibot sa iyo
minsan 'kay wala sa hulog
Inuuna sariling nararamdaman
Wala ka ng ginalang
pati nakakatanda'y iyong pinaluha
Kung akala mo tapos na
Inaasaha'y taliwas
Bakit kulang sa pasensya?
Pagkakaunawaa'y di mo magawa
Sino pa nga ba ang talo?
Hindi ba't ang mapag-patol?
Pang habang buhay dadalhin
Iyong ginawa't sinabi
'Di ka nga naman aatras
Ngunit sayo'y nagtatago ang kunsensya
Di kailangan mag-away
Paguusap ang kaylangan
Para mag-karoon ng pag-kakaisa
Sa Iskwelahan na iyong pinasukan
Mapasa'yo ang talas ng isip
Huwag magpadalos-dalos ng gagawin
Baka hakbang mo'y mamali
Tutulong sana'y malihis
Di ito isang panama
Ito ay isang pambato
Umiwas ka kung 'yong gusto
Madurog kung matamaan
Pag-lalahad ko'y maaring mapuna
Maaaring magalit kung 'yung mabasa
Makahulugang salita'y 'yong alamin
Nang sa gano'y di na maulit pang muli
Wednesday, September 3, 2014
Makara
Handa ka na bang humarap
Sa lipunang mapanlinlang
Akala mo lahat totoo
ang iba'y isang patibong
Saan ka makakarating
Kung hindi ka makikinig
Ikaw may 'sang mapera
Ugali nama'y salat
'Di masamang makisabay
Basta alam mo pauwi
Kapag ika'y naligaw
Untog mo ulo sa padir!
Misteryosong mga tao
Ito'y 'yong makakaharap
kapag ika'y nagpadala
lag-lag ang pagkatao mo
Makahulugang salita
Itanim sa damdamin mo
Ito ay iyong itago
Hugutin kung kailangan
Lakasan mo ang 'yong loob
Humarap ka sa pag-subok
Wag na wag ka mag-alala
Sa buhay mo, Ikaw bida!
Tanoshii Omoibe Arigato(Thanks For The Memories)-may 07 2009
I remembered the particular point in time when I was in grade school, the fulfillness of my heart behind every moment when I was with my acquaintance, laughing with them, sharing different allegations and playing with them. I really appreciated the kindness of my mentors: Mrs.Angeles(Math teacher and Glee Club mentor), Mrs. Belen de Vera(Computer Teacher, Glee Club mentor and also my adviser), Mr.Lugioy(also my math teacher) Mr. Macabiog(Art Teacher and Boy Scout Instructor) and a lot more, and I also felt independent with the help of our principal.
I'm proud to be Matthean; the school where I discovered my talent, where I developed my social skills, where I became virtuoso and where I met all of them, The SMCS(Sarap Mag Counter Strike) group, my friends(Jethro Angeles, Pio, Jhomel, Subaru Obishi, Kevin Mendoza, Micko Ramirez(Dao Ming Zhou), Kimberly Yanga, Aira, Angel, Mark, Camille AKA Miles, Kyla, and especially my first crush (Jhem). I was so glad when I saw our class picture; I compared the changes when we were still in grade school and today.
If I could turn back the time, I will make all things more exciting and I will device every sad moment into happiness. But look where we are now, we have different lives, each one of us making our own path. We have different dreams and I hope that we can achieve them; make it into reality and if ever the time comes and we all cross each other's path; I hope then that we are all successful and have achieved what we wanted in life.
I'm proud to be Matthean; the school where I discovered my talent, where I developed my social skills, where I became virtuoso and where I met all of them, The SMCS(Sarap Mag Counter Strike) group, my friends(Jethro Angeles, Pio, Jhomel, Subaru Obishi, Kevin Mendoza, Micko Ramirez(Dao Ming Zhou), Kimberly Yanga, Aira, Angel, Mark, Camille AKA Miles, Kyla, and especially my first crush (Jhem). I was so glad when I saw our class picture; I compared the changes when we were still in grade school and today.
If I could turn back the time, I will make all things more exciting and I will device every sad moment into happiness. But look where we are now, we have different lives, each one of us making our own path. We have different dreams and I hope that we can achieve them; make it into reality and if ever the time comes and we all cross each other's path; I hope then that we are all successful and have achieved what we wanted in life.
Story Of A Long Lost Man(July 10, 2009)
Napakahirap pakawalan ang galit na nararamdaman, minsan gusto ko na sisihin ang sarili ko sa lahat ng kapabayaang nagyayari sa'akin ngayon, napakahirap kalabanin ng sarili, mahirap para sa akin ang umiyak o mag-salita manlang ng laban sa kapwa ko pero masisisi nyo ba ako? Maraming binhing nakatago sa puso ko, pero hindi ko kayang pakawalan o gamitin man lang sa lahat ng pagkakataon. Ako ang taong impostor, kung may makakaintndi lang sa akin malalaman nila kung gaano kahirap para sa akin ang maging mailap.
Minsan naisip kong huminto muna sa pag-lalakbay; magisip muna, suriin lahat ng ginagawa at ingatan ang bawat hakbang na gagawin. Sa bawat paghinto kong ginagawa ay may patalim na tumututok sa'akin, patalim na nagpapabago ng mura kong pag-iisip. Gusto kong mag-bago, umiwas sa mga taong nag-pasama sa akin pero hindi ko magawa. Ang luha ni inay ang muling nagpalambot ng aking puso, ang kanyang mga yakap ang nagsilbing proteksyon sa panahong wala na akong mapuntahan - mga panahong hindi ako makagalaw. Nakakatuwang isiping siya ay umaasang babalik ako sa dating ako.
Muli akong tumayo; naglakbay sa hindi ko maipaliwanag na daan, sa aking pag-lingon, naroon si inay umaasang makikita ko ang hinahanap kong ako. Ang pag-kaway niya ang nagpatibay ng aking loob na nagpapahiwatig na : maligayang paglalakbay. Doon ay hindi ko napigilang mapaluha, pero tuloy pa din ako sa aking paroroonan. Gulo ang aking isip, nais kong bumalik sa aking ina ngunit nais ko ring makita ang tunay na ako. Sa aking pag-lalakbay; hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa patibong ng iba pag impostor na tulad ko. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako, ni hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili ko, ngayong nabihag na ako hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari. Muli akong nag-isip; pumasok sa isip kong tumakas, tumakbo hanggang saan ako abutin. Muli kong iniwan ang bote ng alak, dinurog ang sigarilyo, iniwan ang mga babaeng katabi sabay sabing - hindi ito ang buhay na gusto ko.
Sa aking pagbalik nakita ko si inay na umiiyak, bumulagta sa aking mga mata ang isang magandang kabaong, pinilit ko siyang tawagin ngunit tila hindi ako pansin ng aking ina, niyakap ko siya ngunit hindi ko siya mayakap. Sinimulan kong silipin ang kabaong at laking gulat ko ng makita ko ang aking sarili; napaluha ako sa aking nakita at napaluhod at tinanong sa aking sarili; "Ito ba talaga ang nais kong mangyari, ang patuloy saktan ang taong nag-mamahal sa akin ng buong buo?"
The Magic Box
I will put in my magic box
The all memories of my life
The laughter and tears of all my times
My thoughts and all the words of God
I will put in my magic box
The sounds of my instruments
The big wig voice of Josh Groban
And most of all the sound of silence
I will put in my magic box
My accomplishments in this world
My certificate and my uniform
My notebooks and all my cards
I will put in my magic box
My problems and my fantasies
My sacrifices for my love
My soul, spirit and my body
My magic box is very huge
With the ruby on the lid
The sign of cancer on every corner
And have my name on top of it
If the time has come for me to say goodbye
I will give this magic box to Jesus Christ
With the smile on my face; looking at him
and saying"Thank you for all my blessings."
My Notebook
Bakit ba mahalaga sa'akin ang notebook? -Dito ko kasi naisusulat lahat ng mga nais kong sabihin, minsan ito rin ang nagiging paraan para mawala yung lungkot at pagkabagot ko..... Nandito ang buhay ko, ang tunay na ako....
Subscribe to:
Posts (Atom)