Thursday, September 4, 2014

El Estudiante y musikero


Tugtog dito at tugtog don
Ito ang tanging buhay ko
Ang paraan para makihalubilo
Sa hilig na aking gusto

Ang musika ang aking tanging libangan
Sa hindi ko nakikita na ligaya
Ang gendrang hilig, akin ng tinahak
Nang sa ganoon ang talento'y mahasa

Pinabayaan ang aking tanging grado
Nang hindi ko namamalayang panahon
Lagapak ang sagot sa akin ng grado
Musika't pag-aaral nasaan ako?

Ang panaho'y tumatakbo
Mahabol ko pa kaya 'to?
Ang magiging manghuhusga'y tanging guro
Sa 'di ko maunawaang pagtatapos

Sa pag-talikod sa aking kinagisnan
Pag-asa ko'y pagbabawi
Sa panahong sinayang
Ako nga ba'y nag-sisisi?

Ang karangyaa'y sa aki'y ibinigay
Nang Inang salat sa pera
Layaw ko'y aking nasunod
Ang ganti ko pa ba'y ito?

Ang tinapakan mong putik ay babakas
Hinayaang apoy ay liliyab
Ang hangi'y di ko alam saan patungo
Ito nga ba ang buhay na mayroon ako?

Estudyante akong halong musikero
Iwan man ang isa'y huli na ang lahat
Napinsala ang iningatan kong yaman
Na pamana ni inay sa aking buhay

No comments:

Post a Comment